Katanungan
bakit mahalagang sektor ng ekonomiya ang agrikultura?
Sagot
Mahalaga sa sektor ng ekonomiya ang agrikultura sapagkat ito ang nagsisilbing tagapagtaguyod nito.
Ang agrikultura ay isang sektor sa bansa na nagbibigay ng malaking bahagdan sa pagtataguyod ng lagay ng ekonomiya ng bansang Pilipinas.
Ang sektor na ito ang nagbibigay ng mga sangkap na hilaw na kinakailangan sa produksyon ng iba’t ibang mga produkto na ginagawa ng iba’t ibang industriya upang maipagbili sa loob at labas ng bansa.
Dahil sa mga operasyong ito kumikita ang ekonomiya ng bansa na nagsisilbing langis ng pagtakbo nito ng maayos upang matugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan ng bansa.
Kaya naman, higit na pinangangalagaan ang sektor na ito sapagkat kung hihina ito ay hihina rin ang ekonomiya.