Bakit mahirap para sa isang bansa ang maging kolonya?

Katanungan Sagot

2

Katanungan

bakit mahirap para sa isang bansa ang maging kolonya?

Sagot verified answer sagot

Mahirap para sa isang bansa na maging kolonya dahil una sa lahat, sa ilalim ng kolonyalismo, ay nawawala ang kalayaan na tinatamasa ng mga mamamayan ng isang bansa.

Ihalintulad na lamang natin ang karanasan ng ating bansa. Nang ang Pilipinas ay maging kolonya na mga kolonyalismong bansa tulad ng Espanya, Estados Unidos, at Japan, ay nawalan ng kapangyarihan ang ating mga ninunong Pilipino na mamahala sa sarili nilang bansa.

Marami ring mga ulat na ang mga kolonyalismong bansa ay nang-aabuso sa kanilang kolonya. Ito ay maaaring sa paraan ng pagkuha ng kanilang mga likas na yaman, pagpatay sa mga naninirahan, at marami pang iba.