Bakit makabuluhan para sa mga Pilipino na alamin ang mga kwentong bayan nito partikular sa Mindanao?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit makabuluhan para sa mga pilipino na alamin ang mga kwentong bayan nito partikular sa mindanao?

Sagot verified answer sagot

Bakit makabuluhan para sa mga Pilipino na alamin ang mga kwentong bayan nito partikular sa MindanaoMahalaga at makabuluhan para sa mga Pilipino na alamin ang mga kuwentong bayan nito partikular sa Mindanao sapagkat malaking bahagi ito ng ating wika, kultura, at sining.

Ang kuwentong bayan ay sinasabing nagpasalin-saling kuwento lamang at hindi talaga naisulat sa isang lathala. Gayunman, naging daan ito upang epektibong magamit ng mga Pilipino ang kanilang kasanayan sa wika sa pagkukuwento.

Isa pa, ang mga kuwentong bayan ay salamin din ng kultura ng isang bansa. Ang mga kuwentong bayan, bagaman likhang isip lamang, ay sumasalamin naman sa pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Kung maaaral at maisasabuhay ang mga kuwentong bayan, mananatili ang lumang tradisyon ng pamumuhay ng mga Pilipino.