Bakit may mga pagkakataon na mas nangingibabaw ang mga gawaing taliwas sa katapatan?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

bakit may mga pagkakataon na mas nangingibabaw ang mga gawaing taliwas sa katapatan?

Sagot verified answer sagot

May mga pagkakataon na mas nangingibabaw ang mga gawaing taliwas sa katapatan sapagkat bilang mga nilalang na namumuhay sa mundo, ang tao ay hindi kakikitaan ng pagiging perpekto na kung siya ay maaapektuhan ng iba’t ibang salik na nakapaligid sakanya, malaki ang posibilidad na maging taliwas ang galaw o kilos at desisyon sa mukha ng katapatan.

Idagdag pa riyan ang mga pagkakataong naibibigay sa tao na nag-uudyok na makagawa ng hindi maganda sa iba’t ibang kadahilan o di na naman kaya ay ang pansariling interes.

Iba-iba ang pagkakataong kinahaharap ng bawat indibidwal kung kaya minsan kahit gustong gawin ng isang tao ang tama subalit may mapapahamak na kapwa o ibang tao, mas minamabuti na lamang piliin o gawin ang taliwas o mali.