Bakit may mga taong ayaw makilahok sa lipunan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit may mga taong ayaw makilahok sa lipunan? hmmm…

Sagot verified answer sagot

Bakit may mga taong ayaw makilahok sa lipunanIba-iba ang dahilan kung bakit mayroong mga taong ayaw makilahok sa lipunan. Una na rito ay marahil ay mayroon silang suliranin sa pakikitungo sa ibang tao o mas malaking bilang ng mga mamamayan.

May mga taong hindi kaya ang akto ng pakikipag-usap sa iba. May mga taong masyadong mahiyain upang makihalubilo sa iba.

At mayroon namang mga tao na laging may puna at may nasasabing masama sa iba kaya naman mas pinipili na lamang lumayo at hindi makasalamuha sa iba upang hindi na magkagulo pa at makasakit ng damdamin. Ang iba naman, maaari nagkaroon na ng takot dahil ang dati nilang pakikisalamuha sa iba ay hindi naging maganda.