Bakit may nagaganap na job skills mismatch?

Katanungan

bakit may nagaganap na job skills mismatch?

Sagot verified answer sagot

Ang dahilan kung bakit nagaganap ang job skills mismatch ay dahil sa kakulangan ng trabahong mapapasukan na may kaugnayan sa kursong natapos ng isang tao.

Ang job skill mismatch ay isang suliraning kinahaharap ng maraming manggagawa sa bansa na kung saan ang angkop na kakayahan at kursong natapos ay taliwas sa trabahong pinapasukan.

Ang suliraning ito ay nagaganap dahil ang bilang ng mga taong nangangailangan ng trabaho ay higit na mas marami kung ikukumpara sa oportunidad na nagbubukas para sa kanila.

Dahil dito, ang iba ay walang magawa kundi pumasok sa ibang uri ng paggawa upang matugunan ang kani-kanyang pangangailangan.