Katanungan
bakit naganap ang edsa revolution?
Sagot
Naganap ito dahil sa diktadurya ni Ferdinand Marcos. Ilang taon na nakaupo si Marcos kaya nag aklas ang masa laban sa kaniyang diktadurya at Martial Law, ilang taon din siyang nagnakaw mula sa kaban ng bayan at sinasamantala ang mamamayang Pilipino kaya libo-libo ang kumilos para patalsikin siya.
Ayon din sa Guinness World Records, si Marcos ay nasa kategorya ng “greatest robbery of a government”.
Sa mga nagdaang taon ng pamamalakad ni Marcos ay puro pandarahas, pagnanakaw, at kahirapan lamang ang naranasan ng mamamayan kaya nila ito pinatalsik sa pwesto. Ang EDSA Revolution ay pinangunahan ng mamamayan, hindi ng kung sino man na politiko o kandidato noon.