Bakit nagdamdam ng husto si Bonifacio sa pagtutol ni Tirona na siya ang maging direktor ng interyor?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit nagdamdam ng husto si bonifacio sa pagtutol ni tirona na siya ang maging direktor ng interyor?

Sagot verified answer sagot

Bakit nagdamdam ng husto si Bonifacio sa pagtutol ni Tirona na siya ang maging direktor ng interyorNang may maganap na halalan sa bagong samahang binubuo ng mga Katipunero, si Andres Bonifacio ay nahalal bilang direktor ng interyor.

Gayunman, si Tirona ay hindi pabor sa paghawak ni Bonifacio ng isang mataas na posisyon sapagkat wala raw itong pinag-aralan.

Hinamak niya si Bonifacio na labis nitong ikinagalit. Muntik pa ngang masaktan ni Bonifacio si Tirona. Sandaling nagkagulo ang lahat dahil sa tensiyong nabuo sa dalawa.

Dahil sa inis ni Bonifacio sa panghahamak na ginawa sa kaniya, napagpasiyahan niyang ipawalang bisa ang naganap na halalan at kanselahin na lamang ang buong pagpupulong na naganap na hindi naman kinilala nina Emilio Aguinaldo.