Bakit naging bayani si Jose Rizal?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit naging bayani si Jose Rizal?

Sagot verified answer sagot

Bakit naging bayani si Jose RizalNaging bayani si Jose Rizal dahil sa iba’t ibang rason. Una na rito ay ang paglaban niya sa mga mananakop hindi sa pamamagitan ng dahas kung hindi sa pamamagitan ng kaniyang talino at husay sa pagsulat.

Sa pamamagitan ng kaniyang mga nobela, naibulgar ang mga masasamang gawain ng mga mananakop na Kastila.

Maraming mamamayan din ang nabuhay ang pagkamakabayan at nabuhayan ng dugo upang ipagtanggol ang kasarinlan ng Pilipinas, kabilang ang ama ng Katipunan at ang isa ring bayaning si Andres Bonifacio.

Isinugal din ni Rizal ang kaniyang buhay para sa ipinaglalabang kalayaan. Pinatay siya ng mga Espanyol dahil sa paglaban nito sa kanila.