Bakit naging permanente ang tirahan ng mga tao sa panahon ng neolitiko?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit naging permanente ang tirahan ng mga tao sa panahon ng neolitiko?

Sagot verified answer sagot

Bakit naging permanente ang tirahan ng mga tao sa panahon ng neolitikoNaging permanente na ang tirahan ng mga tao sa panahon ng neolitko sapagkat hindi na nila kailangan pang maghanap ng kanilang pagkain.

Kung sa mga sinaunang panahon, ang mga tao ay palipat-lipat ng tirahan at lumalagi kung saan sila mas madaling makakukuha ng pagkain, sa panhon ng neolitiko naman ay natuto na silang magtanim ng halaman na maaaring kainin at mag-alaga ng hayop.

Dahil dito, nagkaroon na sila ng konsepto ng tirahan at nagtayo ng permanente nilang bahay. Sa panahong ito rin natuklasan ang paggawa ng mga tahanang yari sa bato, at mga establisimyentong gawa sa bato tulad ng mga temple.