Katanungan
bakit naging suliranin nina wigan at bugan ang pagkakaroon ng anak?
Sagot
Mula sa mitolohiyang may pamagat na “Nagkaroon ng Anak Sina Wigan at Bugan,” ay makikilala natin ang dalawang karakter: Wigan at Bugan na siyang gustong-gustong magkaroon ng anak.
Paniniwala ng mag-asawa ay walang saysay o silbi ang kanilang buhay mag-asawa kung hindi lang rin sila makakabuo ng pamilya dahil wala silang anak.
Ayon sa kanila ay ayaw ata silang biyayan ng Diyos ng supling. Iyon ang naging suliranin nila. Kaya naman minabuti ni Bugan na siya ay maglakbay at pumunta mismo sa Diyos upang manghingi ng anak.
Sa kaniyang pagod sa paglalakbay ay naging matagumpay naman siya. Nagalak ang Diyos sa determinasyon ng mag-asawa kaya sila ay biniyayaan.