Bakit nagkakaroon ng implasyon?

Katanungan

bakit nagkakaroon ng implasyon?

Sagot verified answer sagot

Nagkakaroon ng implasyon sa mga bansa dahil mataas ang demand sa mga bilihin at marami rin ang nailalabas na pera, ngunit mababa naman ang lumalahok sa produksyon.

Bukod pa rito, nagkakaroon din ng implasyon dahil tumataas ang presyo ng langis mula sa mga exporter na ibang bansa.

Halimbawa na lamang dito sa Pilipinas na pag tumataas ang inaangkat na langis mula sa ibang bansa, tumataas din ang bilihin dahil dito binabawi ang mga ginastos at upang makabawi sa buwis na pinapataw. Tulad na lamang ng TRAIN Law na nagdagdag ng buwis sa mga langis kaya mataas din ang bilihin ngayon sa bansa.