Bakit nagkakaroon ng unemployment at underemployment sa Pilipinas?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

bakit nagkakaroon ng unemployment at underemployment sa pilipinas?

Sagot verified answer sagot

Maraming dahilan kung bakit tumaas ang bilang ng mga unemployed at underemployed sa ating bansang Pilipinas. Una na rito ay ang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.

Tumaas ang mga bilihin habang ang sahod naman ng mga manggagawa ay pareho pa rin. Ang ilang mga kumpanya ay sapilitang nagtanggal ng mga tauhan dahil wala ng pambayad o pampasweldo sa kanila.

Isa pang naging dahilan ay ang pagtaas rin ng matrikula sa mga paaralan na naging dahilan kung bakit maraming mga Pilipino ang nahinto sa pag-aaral at hindi na nakakapagtapos.

Kung wala namang tinapos na edukasyon ay hindi makakakuha ng matinong trabaho na kayang sumuporta sa pag-aaral o sa gastusin sa pamilya.