Bakit nagkukusa tayong mag organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit nagkukusa tayong mag organisa at tugunan ang pangangailangan?

Sagot verified answer sagot

Nagkukusa ang mga tao na mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami dahil hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.

Ang pangangailangan ng bawat mamamayan sa isang bansa ay tungkuling dapat bigyang tugon ng pamahalaan subalit dahil sa patuloy na paglobo o paglaki ng populasyon at pagiging limitado ng mga pinagkukunan ng mga dapat ay itutulong kung kaya nagkakaisa ang mga tao na tumugon o tumulong sa pangangailangan ng nakararami.

Isang batayan ng konseptong ito ang pagkakaroon ng mga lipunang sibil na siyang nag-oorganisa ng mga proyekto upang makalikom ng mga kaukulang pangangailangan na maaari nilang maitulong sa mga nangangailangan.