Bakit nagpatayo ang mga Griyego ng Acropolis o pamayanan sa mataas ba lugar?

Katanungan

bakit nagpatayo ang mga griyego ng acropolis o pamayanan sa mataas ba lugar?

Sagot verified answer sagot

Ang mga Griyego noong unang panahon ay nagpatayo ng kanilang mga pamayanan (na kanilang tinatawag bilang Acropolis) sa mga matataas na lugar ay sa kadahilanan na magiging mabilis na takbuhan ito ng mga tao sa panahon ng digmaan para sa kanilang kaligtasan.

Sa pamamagitan ng pagtira sa mga matatas na lugar, maililigtas nila ang kanilang mga sarili mula sa panganib ng giyera.

Noong mga panahong iyon, maraming mga sibilisasyon sa Europa ang nagaaway-away para sa lupa at kanilang nasasakupan.

Ang lahat ay nais manakop upang mas mapalakas ang kanilang imperyo at kapangyarihan. Kaya naman naisip ng mga Griyego na magiging ligtas sa kanila ang mataas na lugar dahil mahihirapan ang mga mananakop na umakyat.