Bakit nagsusulat ang isang tao?

Katanungan

bakit nagsusulat ang isang tao?

Sagot verified answer sagot

Ang isang tao ay nagsusulat upang mahasa ang kanyang kakayahan sa pagsulat at makapagbigay ng kaalaman sa bawat indibidwal na siyang tulay ng kaunawaan.

Ang pagsulat ay isang macro-skill na dapat matutunan ng bawat indibidwal sa kanilang pagkabata at patuloy na nalilinang o napauunlad sa kanilang paglaki sa kadahilanang ang pagsulat ay nagbibigay ng hindi direktang kaunawaan sa bawat isa suballit nakatutulong ito upang mapaglapit ang bawat indibidwal.

Isa rin sa mga itinuturong kahalagahan nito ay ang pagkakamulat ng bawat indibidwal sa mga nagaganap sa kanilang paligid gayundin ang mga pangyayari mula sa nakaraan o nakalipas na panahon na siyang nakaaapekto sa kasalukuyang panahon.