Bakit nanaisin ng mga tao na isapelikula ang nasa nobela?

Katanungan

bakit nanaisin ng mga tao na isapelikula ang nasa nobela?

Sagot verified answer sagot

Ninanais ng mga tao na maisapelikula ang mga nababasa nila sa nobela dahil sa pamamagitan ng pelikula ay nabibigyan ng buhay ang kanilang imahinasyon.

Sa pelikula ay may napapanood silang gumagalaw ng mga tauhan at nagbabagong mga lugar ng kaganapan. Mas marami ring mahihikayat na manood ng isang pelikula kaysa magbasa ng minsan ay napakahaba na mga nobela.

Nakakaaliw rin na makarinig ng mga musika na tutugma sa isang nobela. Patok rin ang pelikula dahil kadalasan ay mas mabilis itong natatapos kaysa kung mas pipiliin ng isang indibidwal na basahin ang nobela. Mas magiging makulay ang istorya o kwentong nilalaman ng isang nobela kung ito ay maisasapelikula.