Bakit nararapat na ibinabatay sa batas moral ang batas legal?

Katanungan

bakit nararapat na ibinabatay sa batas moral ang batas legal?

Sagot verified answer sagot

nararapat na ibinabatay sa batas moral ang batas legal sapagkat ito ang ugat ng pagkaka-unawa ng tao sa mga gawing mabuti at masama.

Ang likas na batas moral ay pinaniniwalaang handog ng Diyos sa mga tao na siyang nakapagbibigay linaw hinggil sa kaibahan ng mga mabuti at masamang gawi.

Kung kaya naman, ang mga batas legal o batas na nagbibigay proteksyon o seguridad sa bawat mamamayan ay dito ibinabatay sapagkat natutukoy nito ang mga bagay na maaaring makasama o makaapekto sa kalinangan o pag-unlad ng isang indibidwal. Sa tulong din nito, ang buhay o tunguhin ng isang indibidwal ay nabibigyan ng direksyon.