Bakit nararapat na pahalagahan ang buhay?

Katanungan

bakit nararapat na pahalagahan ang buhay?

Sagot verified answer sagot

Nararapat lamang na pahalagahan natin ang buhay dahil ito ay ipinagkaloob sa atin ng Maykapal. Isang biyaya ang pagkakaroon ng buhay.

Dahil sa ating buhay, natatamasa natin ang mga magagandang bagay na mayroon tayo ngayon. Tayo rin ay nagiging instrumento upang mapangalagaan natin ang kapaligiran na siya ring biyaya mula sa Diyos.

Ang ilan sa mga dapat nating gawin upang ipakita na importante ang ating buhay ay tulad ng pag-aalaga sa ating kalusugan.

Ang pagbigay galang at respeto sa ating kapwa ay isa ring paraan na pinapahalagahan natin ang ating buhay. Ingatan rin natin ang ating buhay sa pamamagitan ng pag-aaral.