Bakit nasabi ni Bellwood na ang mga Austronesyano ang unang nakarating sa Pilipinas?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit nasabi ni Bellwood na ang mga Austronesyano ang unang nakarating sa Pilipinas?

Sagot verified answer sagot

Bakit nasabi ni Bellwood na ang mga Austronesyano ang unang nakarating sa PilipinasAyon kay Peter Bellwood ng Australia National University, una raw kasing natungo ang mga Austronesian o mga Austronesyano sa Pilipinas noong 5000 BC.

Para kay Bellwood, ang mga Austronesians ay nagmula sa Timog Tsina at Taiwan na nagsipunta naman daw sa Pilipinas. Sa katunayan, ang terminong Austronesian ay mula sa salitang Latin na “Auster” na ang ibig sabihin ay “south winds,” at sa salitang Griyego na “nesos” na ang ibig sabihin naman ay “isla.”

Isa lamang ito sa mga teorya na pinaniniwalaan na ang mga Austronesians o mga Austronesyano ang unang nakarating sa Pilipinas noong sinaunang panahon.