Bakit natatangi sa tao ang likas na batas moral?

Katanungan

bakit natatangi sa tao ang likas na batas moral?

Sagot verified answer sagot

Ang mga tao ay mayroong kakayahan na makapag-isip at makapamili ng tamang pasya kung kaya ang batas moral ay likas lamang sa mga tao.

Sa lahat ng nilikha sa mundo, ang mga tao lamang ang biniyayaan ng kakayahan na makapag-isip at makapamili ng tama at maling gawi.

Sila ang itinuturing na nasa pinakamataas na antas ng nilalang sa mundo kung kaya naman ang batas moral ay inihandog lamang sa mga tao.

Ang batas moral ang nagiging batayan ng mga gawi na maaaring matawag na tama o mali. Ito rin ang nagbibigay katuturan sa bawat kilos na gagawin ng isang tao na may kaugnayan sa indibidwal na konsensya.