Bakit nauna ang pagtatag ng pamahalaang militar bago ang pamahalaang sibil?

Katanungan

bakit nauna ang pagtatag ng pamahalaang militar bago ang pamahalaang sibil?

Sagot verified answer sagot

Nauna ang pagtatag ng pamahalaang militar kaysa sa pamahalaang sibil noong panahon ng pananakop ng bansang Amerika dahil gustong makasiguro ng mga Amerikano ang kaligtasan at kapayaan sa bansa.

Ang layunin kaya naitatag ang pamahalaang militar ay upang tuligsain ang mga rebeldeng Pilipino na gustong makipagdigmaan. Sa ilalim ng pamahalaang ito ay walang kapangyarihan mamahala ang mga mamamayang Pilipino. SIla lamang ay sumsunod sa utos ng gobyerno ng Amerika.

Ang pamahalaang sibil naman ang nagbigay daan sa mga Pilipino na magkaroon ng oportunidad na maluklok sa pwesto sa gobyerno. Sila na ay may tinatamasang kapangyarihan at kalayaan. Tinatawag natin ito ngayon bilang demokrasya.