Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?

Katanungan

bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?

Sagot verified answer sagot

Noong nilakha ng Diyos ang sangkatauhan, inihulma niya tayo sa kanyang imahe. Ngunit kahit ganoon pa man, hindi niya tayo ginawang pantay-pantay.

Ito ay sa kadahilanan na mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan na biyaya ng Diyos sa ilang tao.

Bawat tao sa mundo ay binigyan ng Diyos ng sariling kakayahan at talento. Kung lahat tayo ay naging pantay-pantay, hindi natin mabibigyang pansin ang mga kakayahan at talentong ito.

Kailangan natin na pahalagahan ang kakayahan ng bawat isa. Sa ganoong paraan lamang magiging mapayapa, masaya, at maayos ang takbo ng buhay natin rito sa mundo.