Katanungan
bakit pinag aagawan ang lupaing mesopotamia?
Sagot
Pinag-aagawan ang lupaing Mesopotamia dahil ito ang binansagang “Lupain sa Dalawang Ilog” na kapaki-pakinabang sa kalakalan.
Ang Mesopotamia ay ang lupain na makikita sa rehiyong kinabibilangan ng Fertile Crescent. Ito ay nasa pagitan ng mga Ilog Tigris at Ilog Euphrates na kapwa mula sa kabundukang pinangalanang Armenia na tumatagos naman sa Golpo na makikita sa Persia.
Ang pagdaloy ng mga tubig mula sa mga ilog na nabanggit ay nag-iiwan ng isang mataba o masaganag lupa na malaki ang kapakinabangan sa larangan ng agrikultura partikular na sa pagsasaka.
Ito rin ang nagsisilbing daanan ng mga iba’t ibang kalakal papunta sa dagat Mediterranean kung kaya marami ang may interes dito.