Bakit pinakamabisang paraan ng komunikasyon ang pagmamahal?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

bakit pinakamabisang paraan ng komunikasyon ang pagmamahal?

Sagot verified answer sagot

Dahil ang pagmamahal ang nagbubuklod sa bawat isa kaya ito ay maituturing na pinakamabisang paraan ng komunikasyon.

Ang komunikasyon o pamamahagi ng iyong ideya sa pamamagitan ng wikang nauunawaan hindi lamang ng iilan ngunit ng lahat ay mahalaga sapagkat naipararating natin an gating kaalaman o opinyon ukol sa isang bagay.

Ang pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang tao tulad ng ating kaibigan, pamilya, mga kamag-anak, at iba pa ay mas nagiging mabisa sa tulong ng pagmamahal.

Ang pagmamahal na ito ang bumubuo sa atin at sa ating kapwa upang magbigay ng kaunawaan sa lahat. Ito ang tulay upang maging bukas tayo sa pakikinig at maiwasan ang pagtatalo.