Bakit sinasabing ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit sinasabing ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan?

Sagot verified answer sagot

Bakit sinasabing ang pinakadiwa ng wika ay panlipunanAng wika ay sinasabing pinakadiwa ng lipunan dahil sa ilang dahilan. Una, ang wika ay ang daan upang makipagtalastasan sa ibang tao.

Sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang bawat isa at nabubuo ang magandang ugnayan sa isa’t isa. Ikalawa, ang wika ay ang pangunahing salik upang magkaroon ng komunikasyon.

Ang pagpapahayag ng saloobin at mga ideya ay mahalaga sa isang lipunan upang makamit ang mga naisin at layunin kaya naman hindi ito maaaring mawala sa isang lipunan.

Panghuli, ang wika ang daan sa pagkakaroon ng edukasyon ng bawat isa. Dahil sa wika, nagkakaroon ng kaalaman ang maraming mamamayan na kanilang nagagamit sa araw-araw na gawain.