Katanungan
bakit sinasabing ang tunay na pagmamahal ay malaya?
Sagot
Sinasabing ang tunay na pagmamahal ay malaya sapagkat ang tao ay may kalayaan na makapili ng taong mamahalin at nabiyayaan ng pagkakataon na maihayag ang nararamdaman sa pamamaraang kaya nito.
Ang pagmamahal ay isang damdamin na karaniwang nararamdaman ng isang tao mula sa kanyang pamilya, kaibigan, at sinisinta.
Ito ay sinasabing malaya sapagkat walang sinuman ang nagdidikta sa kung sino ang dapat at hindi dapat pagbigyan nito.
Ang isang taong may ispesyal na nararamdaman sa kasalungat na kasarian ay nabibigyan ng pagkakataon upang maihayag sa malayang pamamaraan ang kanyang nararamdaman ng walang sinusunod n autos, tagubilin, o kahit na anong pamantayan.