Katanungan
bakit sinasabing hindi lamang pang ekonomiya kundi pampulitika rin ang layunin ng merkantilismo?
Sagot
Sinasabing hindi lamang pang ekonomiya kundi pampulitika rin ang layunin ng merkantilismo sapagkat sa pamamagitan nito napa-uunlad nito ang bansa sa pamamagitan ng mga buwis na nalilikom.
Ang merkantilismo ay ang umiral na kaisipan sa kasaysayan na kung saan ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakabase sa bilang ng dami ng gintoat pilak na pagmamay-ari nito.
Ang ideyang ito ay hindi lamang pang-ekonomiya sapagkat nakatutulong din ito sa usaping politika na isang sanhi ng pag-unlad.
Ang mga proyektong nais isagawa ng isang politikal na pinuno ay nagiging kapaki-pakinabang sa tulong ng mga buwis na nakakalap sa ilalim ng merkantilismong kaisipan.