Katanungan
Bakit sinasabing mahirap bumuo ng pasya? Salamat po sa tutulong sakin 🙂
Sagot 
Sinasabing mahirap ang bumuo ng pasya dahil maraming bagay ang dapat ikonsidera bago mo ito maisagawa. Ang pagpapasya ay hindi basta-bastang bagay lalo na sa ibang mas importante o mas mahalagang situwasyon. Kadalasan, kinakailangan munang mag-isip nang mabuti bago bitawan o gawin ang isang desisyon.
Kailangan mo munang isipin ang iba’t ibang salik, ang iba’t ibang dahilan, ang ibang nangyari bago mo buuin ang nag-iisa mong desisyon.
Kailangan ay napag-isipan na nang mabuti ang desisyon bago ito bitawan o gawin dahil mahirap na itong bawiin. Hindi ito isang bagay na maaari mong baguhin sa oras na bitiwan mo na o maibigay na. Kaya naman mahirap ang bumuo ng pasya dahil sa mga bagay na ito.