Katanungan
bakit sinasabing matalik na magkaugnay ang wika at kultura?
Sagot
Sinasabing matalik na magkaugnay ang wika at kultura. Ito ay dahil maaaring maging batayan ang wika o lengguwahe sa kulturang kinalakihan ng isang tao.
ANg bawat kultura sa mundo ay may kanya-kanyang mga wika. Halimbawa, sa atin sa Pilipinas ay wikang Filipino ang pangunahin na salita. Habang sa Japan naman ay wikang Hapones at sa Amerika ay wikang Ingles.
Ayon rin sa mga dalubhasa ay halos sabay na nagbabago ang wika at kultura. Makikita natin ito ngayon sa iba’t-ibang henerasyon ng mga tao. Ang mga mas nakababatang henerasyon ay gumagamit ng mga tinatawag na slang words, o mga salitang pinaiksi o iniba ang kahulugan sa normal.