Bakit tinaguriang ama ng katipunan si Andres Bonifacio?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit tinaguriang ama ng katipunan si Andres Bonifacio?

Sagot verified answer sagot

Bakit tinaguriang ama ng katipunan si Andres BonifacioSi Andres Bonifacio ang tinaguriang ama ng katipunan dahil siya ang nanguna sa rebolusyon ng mga Pilipinong nais makamit muli ang kalayaan ng Pilipinas.

Siya rin kasi ang tinagurian ng ilang historyador na unang pangulo ng Pilipinas dahil sa pangunguna sa mga naghihimagsik.

Siya rin ang naging supremo o pinakapinuno ng mga Katipunero sa isang samahang tinawag na Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK). Naging matapang si Andres at pinangunahan ang mga kapuwa maghihimagsik.

Kahit na hindi isang ilustrado at hindi nakatapos ng pag-aaral, nagawa niyang pangunahan ang isa sa pinakamalalaking hakbang ng mga Pilipino upang maging malaya mula sa kamay ng mga Kastila.