Katanungan
bakit tinanggihan ng mga pilipino ang batas hare hawes cutting?
Sagot
Ang batas na tinatawag na Hare-Hawes Cutting ay ang naunang batas na nais ipagkaloob sa Pilipinas upang makamit ng bansa ang kalayaan mula sa kolonyal na pamamahala ng Estados Unidos.
Ito ay nabuo noong taong 1933 at pinangasiwaan ng noong presidente ng Amerika na si Herbet Hoover. Ngunit ang batas ay tinunggalian ng senado ng Pilipinas kung saa si Manuel L. Quezon ang tumatayong presidente ng senado.
Tinanggihan ng mga Pilipino ang batas dahil nakasaad pa rin sa batas na maaaring manatili ang mga base military at mga sandatahang lakas ng Estados Unidos sa bansa hanggat gustuhin ng Amerika. Nakita itong paraan ng pag-aabuso ni Quezon at ng iba pa sa senado.