Bakit tinawag ang Mesopotamia na cradle of civilization?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

bakit tinawag ang mesopotamia na cradle of civilization?

Sagot verified answer sagot

Ang unang lipunan ng tao na naging sibilisado ay umusbong sa Mesopotamia kung kaya ito ay tinaguriang cradle of civilization.

Ang Mesopotamia ay isang lugar na makikita sa Iraq partikular na sa bandang gitnang silangan. Ito rin ay tinaguriang fertile crescent sapagkat ito ay nagtataglay ng isang malusog na lupain na naging pinakasentro ng pakikipagkalakan ng mga tao mula sa Persian Gulf at Mediterranean sea partikular na sa dalampasigan nito.

Ito rin ang sinasabing kinalalagyan ng dalawang ilog na nagsilbing dahilan upang isilang ang mga kabihasnan sapagkat ito ang nakatulong sa uri ng pamumuhay ng mga tao. Ang mga ilog na ito ay ang ilog tigris at ilog euprates.