Bakit tinawag na hugis suklay ang buwan?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

bakit tinawag na hugis suklay ang buwan?

Sagot verified answer sagot

Tinawag na hugis suklay ang buwan sa kadahilanang ito ang nagsilbing paalala sa isang mangingisda tungkol sa inihabilin ng asawa nito na bilhan siya ng suklay na ang wangis ay kagaya ng hugis ng buwan.

Ang konsepto ng hugis ng suklay ay hango sa istoryang pinamagatang “Ang Buwang Hugis Suklay” na kung saan itinampok ang mag-asawa na ang pangunahing ikinabubuhay ay pangingisda.

Ng papalaot na ang asawang lalaki, nagbilin ang asawang babae na bilhan siya ng isang suklay na ang wangis ay katulad ng sa buwan at kendi naman para sa kanilang anak.

Subalit, nang umahon na ang mangingisda at tumingala sa kalangitan, ang bilog na buwan ang kanyang nasilayan kung kaya salamin na bilog ang nabili niya.