Katanungan
bakit tinawag na pamahalaang papet ang ikalawang republika ng pilipinas?
Sagot
Tinawag itong Rehimeng Papet o Puppet Regime dahil kontrolado ng mga Hapon si Jose Laurel na siyang pangulo ng bansa.
Walang magawa si Laurel kaya pinili niya na lang maging sunud-sunuran sa mga hapon upang kahit papaano ay humupa ang pananamantala ng mga mananakop.
Ngunit, habang tumatagal ay tumitindi lalo ang eksploytasyon at pambabastos ng mga sundalong Hapones sa mga kababaihan.
Sinasamantala rin ng mga Hapon ang likas na yaman ng Pilipinas upang huthutan at sila ang makakaganansya rito.
Dahil dito, itinatag ang HUKBALAHAP, ang gerilya ng Pilipinas na mga sosyalista at komunista upang wakasan ang kolonyalismo ng mga Hapon sa bansa.