Katanungan
bakit tinawag na yellow river ang ilog huang ho?
Sagot
Tinawag na yellow river ang ilog huang ho dahil ang kulay ng putik nito ay dilaw. Ang Yellow River o kilala rin sa tawag na Huang Ho river ay ang tinaguriang ikalawa sa pinakamahahabang ilog sa buong Asya.
Samantala, sa kabuuan naman ng mga pinakamahahabang ilog sa buong mundo ay pang-anim ito. Ang tubig nito ay pinaniniwalaang mula sa Bulubundukin ng Bayan Har na dumadaloy naman sa may siyam na bayan.
Ang nagsisilbing palanggana nito ay ang pinaniniwalaang pinagmulan ng kabihasnang tsino na siyang pinaka-maunlad sa lahat.
Ang ilog na ito ay kilala rin sa bansag na sorrow river dahil sa dami ng bilang ng taong binawian ng buhay dito.