Tungkol ito sa buhay ng magkaibigang sina Delfin at Felipe na mayroong magkatulad na naisin ngunit may kakaibang paraan upang maipatupad ito.
Si Delfin ay kilala bilang isang sosyalista na naghahangad na magpalaganap ng konsepto ng sosyalismo sa lipunan. Nais niyang maging dominante ang mga mahihirap sa iba’t ibang gawain ng kabuhayan ang mga mamamayang maralita tulad ng pangangalakal, pagnenegosyo, at pagkakaroon ng pag-aari.
Ngunit kahit malaki ang kaniyang adhikain para sa mga mahihirap, naninwala pa rin si Delfin na kailangang idaan sa mapayapang paraan ang pakikipaglaban para sa karapatan nito.
Nag-aaral siya ng abogasya. At isa sa paraan niya ng pagpuksa sa mayayaman ay ang pagsusulat sa isang pahayagan.
Si Felipe naman ay anak mayaman at naniniwala sa anarkismo. Ito ay ang marahas na pagpapaalis ng mga makapangyarihan sa kanilang mga puwesto. Kailangan daw maipadama sa mga mayayamang negosyante at may-ari ng lupa.
Anak din siya ng isang mayaman at makapangyarihang tao na si Don Ramon ngunit batid niya ang hindi magandang paraan ng pagyaman ng kaniyang ama. Kaya naman umalis siya sa kanila at namuhay nang mag-isa at ipinagpatuloy ang pagtupad sa kaniyang hangarin.
Napatay ang mayamang si Don Ramon habang nasa New York ito at nang ibalik ang mga labi niya sa Pilipinas ay dinalaw ito nina Felipe at Delfin.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Banaag At Sikat. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!