Bangkang Papel (Buod)

Nag-umpisa ang kuwento sa pagbabalik-tanaw ng nagsasalaysay ng kuwento. Sa tuwing makikita niya ang mga batang naglalaro ng bangkang papel at sa tuwing uulan nang malakas, naaalala niya ang isang batang hindi na natupad pa ang pangarap niyang pagpalutang ng ginawang tatlong bangkang papel.

Nais sana ng bata na magpaanod ng bangkang papel kinabukasan kaya gumawa siya ng tatlong piraso. Gayunman, lubhang malakas ang ulan kaya naman umaasa siyang wala na ito bukas upang mapaandar ang bangkang papel na ginawa.

Habang malakas ang ulan, naalala ng bata ang kaniyang amang sundalo. Tinanong nito ang ina kung wala pa ang kaniyang ama at sinabing wala pa naman. Panahon kasi ng digmaan noon kaya abala ang ama niya sa paglilingkod bilang sundalo.

Kinabukasan, kumalma na ang panahon. Ngunit ang ina ng bata ay ang siya namang nawalan ng kapayapaan. Umiiyak ito na nakita ng kaniyang anak. Batid niya noong may suliranin na kaya dahan-dahan ang kaniyang paglakad.

Dito na inilahad ng kaniyang ina ang nangyari sa kaniyang ama. Kasama ito sa ilang nasawi sa nangyaring engkuwentro noong gabi kung saan malakas ang ulan. Hindi malaman ng lalaki ang kaniyang mararamdaman.

Napaluha na lamang ito at napasigaw sa sinapit. At hindi na rin nito napaanod ang ginawa niyang mga bangkang papel.

Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Bangkang Papel. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!