Katanungan
bansang europeo na sumakop sa pilipinas noong 1565?
Sagot
ang bansang Europeo na sumakop sa Pilipinas noong 1565 ay ang Espanya o Spain. Dahil sa pagkakapatay ni Lapu Lapu kay Magellan, mas umigting ang pagnanasa ng Espanya na sakupin ang Pilipinas kung kaya naman bumuo siya ng bagong ekspedisyon sa pamumuno ni Ruy Lopez de Villalobos subalit sa kasamaang palad, hindi rin nagtagumpay ang ekspedisyong ito.
Bumuo muli ng ekspedisyon ang mga taga-Europeo at ang paglalayag na ito ay naganap matapos na hiranging bagong hari ng Espanya ang anak ni Haring Charles I na si Philipp II sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legazpi. Dahil sa ekspedisyong ito, nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga Europeo at mga taga-Cebu.