Batas na nagtakda sa pagkakatatag ng pamahalaang komonwelt?

Katanungan Sagot

Katanungan

batas na nagtakda sa pagkakatatag ng pamahalaang komonwelt?

Sagot verified answer sagot

Ang batas na nagtakda ng Pamahalaang Komonwelt ay ang batas Tydings-Mcdufie.

Ang batas Tydings-Mcdufie ay ang naging tulay upang magkaroon ng sariling pamahalaan ang Pilipinas sa ilalim ng Batas Pampublik Blg. 73-127.

Ito ay inaprubahan taong 1934 sa buwan ng Marso. Ang pangulong naitalaga sa pamahalaang ito ay si Manuel L. Quezon na nagsulong na isang misyon upang palayain ang Pilipinas.

Isa sa mga tinutulang probisyon ng pamahalaang ito ang pananatili ng militar na base ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Kabilang sa mga probisyong nais ipatupad ng batas Tydings-Mcdufie ang maitatag ang pamahalaang komonwelt, magkaroon ng mga Pilipinong delegado na silang mga babalangkas sa Saligang Batas ng bansa, taumbayan ang maghahalal sa mga mamumuno partikular na sa senado at kongreso, pagpapalaya sa Pilipinas matapos ang sampung taong pananakop, at ang pangunguna ng Estados Unidos sa mga usaping pananalapi.