Katanungan
bayan sa bulacan kung saan itinatag ang kongreso?
Sagot 
Ang bayan sa Bulacan kung saan itinatag ang Kongreso ng Pilipinas ay ang Malolos.
Ang Malolos din ang kabisera ngayon ng Bulacan at ito ay isa nang ganap na lungsod. Ayon sa tala ng kasaysayan, ang kongreso ng Malolos ay naganap nang pulungin ni Emilio Aguinaldo ang Kongresong Panghimagsikan sa Malolos, Bulacan.
Nagbukas ito noong Setyembre 15, 1898 sa Barasoain Church habang tinutugtog ang Marcha Filipina Nacional ang Pambansang Awit ng Pilipinas at ang mga miyembro ng kongreso ay pawang mga ilustrado.
Ang Kongreso ng Malolos ay tinatawag din bilang ang Pambansang Asembleya at ang unang asembleya ng mga nahalal na pinuno ng unang republika ng Pilipinas.