Nagkaroon ng anak sina Don Juan at Namongan. Nilusob ng mga Igorot ang tribo ni Don Juan na naging sanhi ng pagkamatay ng kanyang pangkat.
Dahil dito ay dumayo si Don Juan sa kuta ng mga Igorot upang ipaghiganti ang kaniyang tribo.
Gayunman, hindi na nakabalik pa sa kailang lambak si Don Juan. Naisilang naman ang anak nilang si Lam-ang na mayroong pambihirang kakayahan. Nakapagsasalita na agad siya at mayroong kakaibang lakas.
Nalaman ni Lam-ang nangyari sa kaniyang ama kaya naman ninais niya maipaghiganti ito. Tutol man ang kaniyang inang si Namongan ay hindi naman siya napigilan. Nagtungo siya sa kuta ng mga Igorot at nakita ang amang nakapiit.
Sinabihan siya ng mga Igorot na umuwi na lamang upang hindi matulad sa kaniyang ama. Ngunit sumigaw si Lam-ang at nayanig ang lupa.
Pinaulanan siya ng sibat ngunit hindi man lamang nagalusan. Hinugot niya ang kaniyang sibat at dito ay nalupig ang puwersa ng mga Igorot.
Umuwi si Lam-ang sa kanilang lambak at nagpahinga. Sinuyo niya rin ang isang dalagang si Ines Kannoyan. Nagpaalam siya sa mga magulang nito na agad namang pumayag.
Kanailangan lamang niyang magdala ng panhik o alay na kapantay ng kayamanan ni Ines. Hindi sila binigo nito at nagdala ng dalawang barkong puno ng ginto. At naikasal ang dalawa.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Biag Ni Lam-Ang. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!