Nawala ang anak ng sultan at sultana ng Kembayat nang sumugod ang isang garuda sa kanilang kaharian. Napulot ang sanggol ng isang mangangalakal na si Diyuhara. Tinawag niya ang sanggol na si Biadsari na lumaki nang ubod ng ganda.
Samantala, sa kaharian naman ng Indrapura, laging nangangamba si Lila Sari na baka makahanap ng mas magandang dilag ang kaniyang asawa na si Sultan Mongindra. Dahil dito, pinahanap niya lahat ng magagandang babae sa lugar nila na maaaring makahigit sa kaniya.
Nakita niya si Bidasari at kungwari ay iniimbitahan sa palasyo upang maging dama. Ngunit agad na ikinulong si Bidasari. Sa pamamagitan naman ng isang mahiwagang isdang ginto. Kapag umaga ay isinusuot ito ni Lila Sari at kapag gabi ay ibinabalik sa tubig. Ang isda sa tubig ang simbolo ng buhay ni Bidasari—patay sa umaga, buhay sa gabi.
Nang pagawan ng palasyo si Bidasari na paglalagakan sa kaniya kapag wala siyang buhay, napapunta roon ang sultan. Walang buhay si Bidasari noon dahil umaga. Bumalik siya ng gabi at nakita ang kagandahan ni Bidasari. Dito na rin sinabi ni Bidasari ang mga ginagawa ni Lila Sari.
Iniwan ng sultan si Lila Sari dahil sa galit at agad na pinakasalan si Bidasari. Nang magpunta naman sila sa Kembayat, dito nalahad na si Bidasari ay anak din pala ng isang sultan.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng epikong Bidasari. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!