Katanungan
bigkis o pagtutulungan para sa kapwa kapakinabangan?
Sagot 
Bayanihan o pagtutulungan ang isa sa mga ipinagmamalaking katangian ng mga Pilipino. Likas at hindi matatawaran ang ugaling ito ng mga Pilipino lalo na’t sa oras ng pangangailangan o anumang pagsubok.
Walang anumang sakuna o kalamidad ang makakahadlang sa tuwing kailangan ng bawat isa ang magtulungan. Hindi maitatanggi na ang katangiang ito ay angat sa mga Pilipino.
Bayanihan ang pangunahing dahilan kung bakit pinagbibigkis tayo at bawat isa ay talaga namang nakikinabang. “Ang isang mahirap ay nagiging madali kung ang lahat ay nagtutulungan,” ito ay isang kasabihan na ang ibig sabihin ay malaki ang nagagawa ng pagtutulungan kung ang lahat ay kumikilos dahil tiyak na ang lahat ay makikinabang din.