Bilang isang bansang nasakop ng Espanya, ano ang naging pinakamalaking pamana ang kanilang iniwan sa Pilipinas?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bilang isang bansang nasakop ng Espanya, ano ang naging pinakamalaking pamana ang kanilang iniwan sa Pilipinas? Arigathanks!

Sagot verified answer sagot

Bilang isang bansang nasakop ng Espanya, ano ang naging pinakamalaking pamana ang kanilang iniwan sa PilipinasNasakop ng mga Kastila ang Pilipinas sa loob ng 333 taon kaya naman maraming impluwensiya ang kanilang bansa sa Perlas ng Silanganan. Ngunit ang pinakamalaking pamana ng mga dayuhang mananakop sa Pilipinas ay ang relihiyon, partikular na ang Kristiyanismo.

Malaking bahagdan ng mga Pilipino ngayon ay Kristiyano. Makikita rin ang iba’t ibang simbahan sa bansa na daang taon na rin ang tanda. Maging ang mga pagdiriwang tulad ng mga pista ay impluwensiya rin ng mga mananakop.

Ang malaking kultura ng mga Pilipino pagdating sa pagiging maka-Diyos ay hindi maitatangging pamana ng Espanya. Naging maganda naman ang bungang ito dahil naging matibay ang pananampalataya ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan.