Bilang isang kabataan ano ang magagawa upang mapangalagaan ang iyong kapaligiran?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bilang isang kabataan ano ang magagawa upang mapangalagaan ang iyong kapaligiran?

Sagot verified answer sagot

Bilang isang kabataan, mapangangalagaan ko an gating kapaligiran sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin o mga patakarang ipinatutupad upang maalagaan ito.

Ang kapaligiran ang siyang pinagkukunan nating mga tao ng ating mga pangangailangan tulad ng prutas, gulay, isda, kahot, at iba pa.

Subalit tayo rin ang siyang dahilan kung bakit nasisira o nawawasak ito. Kaya naman, bilang isang kabataan ang maiaambag ko upang mapangalagaan ang kalikasan at kapaligiran sa pamamagitan ng pagsunod sa mga patakarang ipinatutupad.

Halimbawa ng mga ito ay ang hindi pagtatapon ng aking mga basura sa ilog, dagat, o sa mga maling tapunan at ang hindi pagpuputol ng mga punongkahoy sapagkat Malaki ang kapakinabangan nito sa atin lalo na sa panahon ng kalamidad.