Bilang isang kabataan paano ka makakatulong sa lipunan?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

bilang isang kabataan paano ka makakatulong sa lipunan?

Sagot verified answer sagot

Bagamat ako ay isang kabataan pa lamang, marami na rin akong maaaring maiambag sa lipunan na makakatulong sa kaunlaran ng ating bansang Pilipinas.

Una na rito ang pagiging mabuti kong mag-aaral upang kapag ako ay nakapagtapos ay maaari kong magamit ang aking mga pinag-aralan upang makatulong sa aking kapwa at magsilbi sa lipunan.

Kung ako rin ay nasa tamang edad na ay maaari akong magparehistro upang maging botante at tumulong mapalakas ang mga pulitikong magiging mabuti para sa bansa.

Ako rin ay magiging mabuting mamamayan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at alituntunin na ipinapatupad ng pamahalaan—mapa-lokal man o nasyonal.