Bilang isang mag aaral paano mo maipapakita ang iyong pagtulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bilang isang estudyante paano mo maipapakita ang iyong pagtulong sa kapaligiran?

Sagot verified answer sagot

Ang pagsuporta sa mga programang pangkalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim at di pagputol ng maliliit na mga punong kahoy ay isa sa mga maaari kong gawin bilang mag-aaral upang makatulong sa pangangalaga sa kalikasan.

Maraming suliraning pangkapaligiran ang kinakaharap ngayon ng ating bansa. Mula sa pagkawasak ng lupa, pagkawala o pagkakalbo ng mga kagubatan, at pagtaas ng polusyon sa hangin at tubig – ito ay lubos na nakakasira sa ating kalikasan.

Sa pamamagitan ng pagtulong ko sa pagtatanim, hindi pagpuputol ng mga punong kahoy, at iba pang programang pangkalikasan, bilang mag-aaral ako ay nakakatulong na kahit na sa maliit lamang na paraan.