Bilang mag aaral ano ang magagawa mo upang maingatan ang mga sinaunang bagay sa inyong pamayanan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang magagawa mo upang maingatan ang sinaunang bagay sa pamayanan?

Sagot verified answer sagot

Bilang mag-aaral, ang aking magagawa upang masiguro na ang mga sinaunang bagay na ito ay maingatan ay sisiguraduhin kong ang mga ito ay malayo sa kapahamakan.

Ako ay gagawa ng ulat sa kinauukulan ng aming lokal na pamahalaan kung sakali man kailangan nito ng pagkukumpuni o pagsasa-ayos.

Ang mga sinaunang bagay sa ating pamayanan ay mga mahahalagang parte na ng ating kultura at pamumuhay bagamat ang mga ito ay ipinamana na sa atin ng ating mga ninuno.

Napakaimportante na ang mga ito ay mapanatili sa kanilang mahusay at maayos na kondisyon upang ang mga susunod na henerasyon pa ay madatnan ito.