Katanungan
bilang ng barko ng espanya na naglayag papunta sa pilipinas?
Sagot
Ang bilang ng barko ng Espanya na naglayag papunta sa Pilipinas ay 5.
Sa paglalayag ni Ferdinand Magellan patungo sa Pilipians ay dala niya ang 5 barko na tinawag na Trinidad, Concepcion, San Antonio, Santiago, at Victoria.
Subalit hindi lahat ng mga barkong ito ay nakarating sa bansa sapagkat ang Santiagong barko ay napalubog ng isang bagyong malupit.
Ang barkong San Antonio naman ay tumalilis ng daan at muling tinahak ang daan patungong Espanya. Kung kaya sa ekspedisyong ito, ang Concepcion, Victoria, at Trinidad na lamang ang nakapagpatuloy. Subalit dahil sa hindi tantiyado ni Ferdinand Magellan ang tamang panahon ng paglalakbay, ang ekspedisyong ito ay nagdulot ng kagutuman sa mga manlalayag na naging sanhi ng pagkamatay ng karamihan.